Apolinario Mabini aka Ka Pule tinaguriang utak ng himagsikan at ang tinatawag na dakilang lumpo na ipinanganak sa talaga tanauan batangas noong ika-22 taong 1864.
kinakitaan ng sipag at pagtatyaga sa pag-aaral ng sya ay bata pa at dahil sa kanyang pagkahilig sa pag-aaral at angking talino sya ay nakakuha ng isang  partial scholarship sa manila kung saan ito ay naging daan upang sya ay makapasok sa  kolehiyo ng san juan de letran, taong 1887 ng sya ay makapagtapos. Taong 1888 ng sya ay kumuha ng kursong abogasya sa unibersidad ng sto.tomas hanggang taong 1894.

Si ka pule na dakilang lumpo ay isa sa nagpalaya sa ating bansa laban sa mga dayuhang mananakop, ipnakita nya  na kahit sya ay nagkaroon ng kapansanan dahilan upang sya ay hindi na makalakad ay hindi naging balakid upang sya ay matakot at maduwag na ipaglaban ang ating kalayaan.

Mabini taas noo kaming sumasado sa iyong pagkatao...maraming salamat Ka Pule.


Bente-dos o Bente-tres?!
Ika-22 ng hulyo nang ipinanganak si ka pule (Apolinario Mabini) sa Talaga Tanauan batangas taong 1864.
Petsa abente-dos ng sya ay ipinanganak ngunit ipinagdiriwang ito ng abente-tres,nagkaroon pa ng usapin tungkol sa kanyang kaarawan sapagkat ito nga ay hindi ipinagdiriwang ng mismong kapanganakan nya.
Nakapagtataka lamang na mas binibigyan natin ng pansin kung anung araw ito dapat ipagdiwang hindi ba dapat na mas bigyan natin ng pansin kung sino ang ating ipinagdiriwang at kung anu ang nagawa niya sa ating bansa.
Ang mga Pilipino ay sabik sa ganitong mga okasyon diba nga kasi “holiday” ang mga ganitong okasyon,ang sarap ng ganito walang pasok pero alam ba natin o inaalam man lang ba natin kung bakit nga o paano ito naging “ holiday”

MABINI; nais kong makilala ka

Kilala mu ba talaga si  Mabini!...
Kung gayon sino sya?…may alam kaba talaga sa ginawa nya oh alam mu lang ang pangalan nya hindi ang kasaysayan ng buhay nya, kung sabagay sadya nga yata talagang ganun tayong mga Pilipino,..

Marami ang naging bayani dahil sa pagtatanggol sa ating bansa, sa pagnanais na makamit ang kalayaan ng bawat Pilipino, napakaraming nagbuwis ng buhay makamit lamang ang kalayaang tinatamasa natin ngaun.!!
At isa na rito ang dakilang lumpo na kahit may kapansanan ay lumaban gamit ang kanyang taglay na talino, ginamit kanyang utak upang ating makamtan ang kalayaan sa mga dayuhang nagpasakit sa atin.

Ano pa nga ba ang alam mu tungkol sa kanya? Alam mu man lang ba o inalam mu man lang ba kung saan sya pinanganak at kung sino nga ba talaga sya.!!
 Ako oo kilala ko sya dahil ninais kong makilala sya…ikaw kinilala mu ba sya?! Kung hindi pa aba’y kilalanin muna sya,kung hindi mu gagawin yun  ngayun aba eh kaylan pa?!

Balik Tanaw: Ang Dekalogo ni Lolo Apolinario

Nabasa mo na ba ang pamosong Dekalogo ni Mabini? Kung hindi pa, alam mo ba ang Sampung Utos ng Diyos?
            Kung hindi pa marapat na bigyan mo ng pansin ang balik tanaw na hatid ng isang manunulat na ngayon pa lang nagsusulat ng kahapon tungkol sa Dekalogo ni Mabini.
Ang Dekalogo ni Mabini ay kahalintulad din ng sampung utos ng Diyos. Ito ay mga utos o mga paalala na gagabay sa atin upang mamuhay ng matiwasay.Bagaman ang bersyon ng kay Mabini ay dominado ng mga tagubilin patungkol sa dapat gawin para sa ating bayan.
Ang mga sumusunod ay ang sampung dekalogo na katha ng dakilang lumpo.
1.    Ibigin mo si Bathala at ang iyong kapurihan nang higit sa lahat.
2.    Sambahin mo si Bathala, nang ukol sa lalong minamatuwid at minamarangal ng iyong budhi.
3.    Palusugin mo ang mga piling kayamanan na ipinagkaloob sa iyo ni Bathala.
4.    Ibigin mo ang iyong bayan ng sunod kay Bathala, sa iyong kapurihan at higit sa iyong sarili.
5.    Pagpumilitan mo ang ikagiginhawa ng iyong bayan bago ang kaginhawaan mong sarili.
6.    Pagpilitan mo ang pagsasarili ng iyong bayan.
7.    Huwag mong kilalanin sa iyong bayan ang kapangyarihan nino mang tao na di mo pili at ng iyong mga kababayan.
8.    Pagpilitan mo na ang iyong bayan ay maging isang Republika at huwag mong tulutan kalian mang maging Monarkiya.
9.    Ibigin mo ang kapwa ng gaya ng pag-ibig mo sa sarili.
10.  Laging titignan mo ang kababayan ng higit ng kaunti sa iyong bayan.
      Ngayon, alam mo na kung ano ang nilalaman ng dekalogo na karaniwan mong maririnig kapag usaping Apolinario na ang bida sa klase at sa tuwing pasusulatin ka ng guro mo ng sanaysay kapag sumapit na ang kaarawan ni Mabini.
      Isapuso ang paalala na ito at maging isang tunay na Pilipino—makabayan.

Dinggin ang Sigaw na Umaalingawngaw



Kabataaaaaaaaaaaaaannnnn!!!!!!!
Kilala nyo pa ba si Mabini? Alam nyo pa ba ang mga ginawa nya para sa ating bayan?
Hindi? Oo? Siguro?
Yan ba ang mga kasagutang dapat makuha mula asa iyo? Puro walang kasiguraduhan 
at pag-aalinlangan?
Tuluyan mo na nga sigurong tinakpan ang iyong tainga upang di marinig ni 
makutaptapan man lang
Ang mga sigaw na umaalingawngaw ng mga alaalani Mabini na pilit nakikisiksik sa iyong isipan. Mga alalang nakikiamot ng atensyon kahit panandalian lamang.
Masaydo na yatang malayo ang daang iyong tinatahak kaya’t di mo man lamang magawang lumingon sa mga aral at taong malaki ang ambag sa iyong kahapon. Kahapong siya ring malaking dahilan ng kung anong mayroon ka ngayon.
Kabataaaaaaaannnn!!!!!
Hindi ito isang sermon kundi pakiusap para sa nalilimutang kahapon. Subukan mong alisin ang takip sa iyong mata at piring sa iyong mga mata. Dinngin mo ang sigaw na nagpupumilit makaabot man lang sa iyong diwa.
Kailan?
Hindi mamaya, bukas o sa isang araw.
Ngayon! Ngayon! Ngayoooooon!!!!!
Dinngin mo ang sigaw na umaalingawngaw.





Gupit Apolinario Ka Ba?


            Sabi ng mga pari tayo raw ay hinubog ng Panginoon na kawangis niya upang
ipaalala sa atin na tayo ay maging kagaya niya na mapagpatawad at mapagmahal.
            Naisip ko tuloy na dapat gupit Apolinario tayo para maging katulad tayo niya na
hindi ginawang balakid ang kahirapan at kapansanan para makagawa ng bagay na pabor sa nakararami.
            Ikaw gupit Apolinario ka na ba? O baka gupit angry birds na tipong titirahin ang
kalaban upang mapabagsak ito. Kung ako sa iyo magpapagupit na ako ng gaya kay Pule. Habang tayo’y kabataan pa at sabi nga nila’y hitik pa sa mga bagong ideya simulan na nating maging kawangis ng mga bayaning tulad ni Apolinario. Nagsusumikap mag-aral at ginagamit ang talino at kaalaman para sa ikabubuti ng bayan.

Kabataan kilala mo ba si Ka Pule?


Tanda mo pa ba ang kahalagahan ng Hulyo 22,1864 para sa ating mga Pilipino? O naanod na ng bagyo ang dunong mo tungkol dito? Baka naman sa lakas ng hampas ng hangin sa bawat simangot ng langit ay hinayaan mo na lamang madala ang kanyang alaala at sa bawat paglatag ni Haring Araw sa kanyang balabal ay unti-unting natunaw ang pagkakakilanlan mo sa kanya.
Kabataan kilala mo pa ba sya? Ang batang lalaki na sinilang sa Talaga, Lungsod ng Tanauan. Ang nagsumikap makapag-aral sa kabila ng kahirapan. Ang nasa likod ng dekalogo. Ang dakilang lumpo. Ang nagtatag ng piping kilusan ng mga api. Ang utak ng rebolusyon. Ang namulat sa kahirapan at nahimlay sa parehong katayuan ng buhay. Ang dahilan kung bakit walang pasok kapag Hulyo 22. Ngayon naaalala mo na ba siya?
Kung malabo pa rin para sa iyo ang pinupunto ko, aba mangamba ka na marahil nakakasabay ka nga sa makabagong teknolohiya at estado ng pamumuhay sa panahon ngayon subalit napag-iiwanan ka na ng pagtuklas sa aral ng kahapon.
Naisip kong ilathala ang sulatin na ito hindi para sermonan ka at ipamukhang wala kang alam sa kasaysayan ng sarili nating bayan kundi para tapikin ka bilang kaibigan at nang magising ka sa kung anu ang dapat mong gawin bilang kabataan. Tulad mo, noon
ay isa rin akong bingi sa kung anung dapat marinig ng aking tainga sa apat na sulok ng paaralan, bulag sa katotohanan na kung hindi dahil sa kanya, kanila wala tayong demokrasyang tinatawag sa ngayon, at manhid sa pagbibigay ng pagmamahal sa sariling bayan. Subalit nang mapagbulay-bulay ko ang aking mga pagkukulang at mapagtantong ang pagyakap sa yaman ng ating kasaysayan ang tanging maaari kong iambag upang mapabuti ang ating bayan nag-umpisa akong kumilos. Armado ng sandatang ginamit ng mga dakilang manunulat noon bagaman tinitipa na lamang sa parihabang puno ng mga letra at simbolo ngayon aking ginigising ang tulad kong tulog. Sapagkat kung alam natin ang ating pinagmulan, kung ating pinahahalagahan ang hirap ng mga taong buwis buhay na nakipaglaban makamit lamang ang kalayaan, siguro alam nating ingatan ang kalayaan na mayroon tayo ngayon at gamitin ito sa ikauunlad ng ating bansa hindi sa ikalulubog natin sa kumunoy ng kahirapan.