Balik Tanaw: Ang Dekalogo ni Lolo Apolinario

Nabasa mo na ba ang pamosong Dekalogo ni Mabini? Kung hindi pa, alam mo ba ang Sampung Utos ng Diyos?
            Kung hindi pa marapat na bigyan mo ng pansin ang balik tanaw na hatid ng isang manunulat na ngayon pa lang nagsusulat ng kahapon tungkol sa Dekalogo ni Mabini.
Ang Dekalogo ni Mabini ay kahalintulad din ng sampung utos ng Diyos. Ito ay mga utos o mga paalala na gagabay sa atin upang mamuhay ng matiwasay.Bagaman ang bersyon ng kay Mabini ay dominado ng mga tagubilin patungkol sa dapat gawin para sa ating bayan.
Ang mga sumusunod ay ang sampung dekalogo na katha ng dakilang lumpo.
1.    Ibigin mo si Bathala at ang iyong kapurihan nang higit sa lahat.
2.    Sambahin mo si Bathala, nang ukol sa lalong minamatuwid at minamarangal ng iyong budhi.
3.    Palusugin mo ang mga piling kayamanan na ipinagkaloob sa iyo ni Bathala.
4.    Ibigin mo ang iyong bayan ng sunod kay Bathala, sa iyong kapurihan at higit sa iyong sarili.
5.    Pagpumilitan mo ang ikagiginhawa ng iyong bayan bago ang kaginhawaan mong sarili.
6.    Pagpilitan mo ang pagsasarili ng iyong bayan.
7.    Huwag mong kilalanin sa iyong bayan ang kapangyarihan nino mang tao na di mo pili at ng iyong mga kababayan.
8.    Pagpilitan mo na ang iyong bayan ay maging isang Republika at huwag mong tulutan kalian mang maging Monarkiya.
9.    Ibigin mo ang kapwa ng gaya ng pag-ibig mo sa sarili.
10.  Laging titignan mo ang kababayan ng higit ng kaunti sa iyong bayan.
      Ngayon, alam mo na kung ano ang nilalaman ng dekalogo na karaniwan mong maririnig kapag usaping Apolinario na ang bida sa klase at sa tuwing pasusulatin ka ng guro mo ng sanaysay kapag sumapit na ang kaarawan ni Mabini.
      Isapuso ang paalala na ito at maging isang tunay na Pilipino—makabayan.